Dadaan umano sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas sa kanilang pakikipagharap sa Italy sa Fiba World Cup na mangyayari mamaya alas 7:30 ng gabi.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Coach Angel Gumarang, kilalang basketball analyst dito sa lalawigan ng Pangasinan sinabi nito na dominado ng Italy ang lahat ng aspeto ng laro tulad ng depensa, opensa, shooting maging sa tangkad ng mga manlalaro.

Nasa 10-15 percent lamang umano ang tiyansa na manalo ang Team Pilipinas sa laro mamaya.

--Ads--

Ngunit naniniwala naman si Gumarang na maliliit man ang mga manlalaro ng bansa kumpara sa kanilang makakalaban, may malaki naman aniya silang puso sa pagmamahal sa kanilang bayan maging ang pagnanais na manalo .

Idagdag pa rin aniya ang dasal ng mga Pilipino. Naniniwala naman si Gumarang na hindi pa rin magpapahuli ang Gilas Pilipinas at magpapakita pa rin ng magandang laban mamaya na dapat abangan ng mga Pilipino.