DAGUPAN CITY– Lubog pa rin sa baha ang ilang kabahayan sa bayan ng Santa Barbara, Pangasinan sa kabila ng pagbaba ng level ng tubig sa Sinukalan River.

Aabot sa dalawang talampakan ang lalim ng baha sa sitio riverside sa barangay Sonquil.

Nag iwan din ng bakas ang naranasang pagbaha sa Sonquil elementary school.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy na minomonitor ang alevel ng tubig sa ilog.

Pinayuhan ang mga residente na lumikas kung kinakailangan kung sakaling muling tumaas ang level ng tubig.