DAGUPAN CITY–Mas tumindi at tumibay ngayon ang panawagan ng LGBT Community na magpasa ng isang batas na tuluyang magpoprotekta sa kanila hinggil sa paglaban sa diskriminasyon sa kanilang hanay.

Ito ang tahasang inihayag ni Jhay De Jesus focal person ng grupong True Colors Coalition, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kasunod ng nangyari sa isang transgender woman na nakaranas umano ng diskriminasyon sa isang mall sa Cubao, Quezon City.

Aniya, nais nilang magpasa ng isang pambansang batas na magbibigay proteksyon sa kanilang hanay.

--Ads--

Bukod, dito, iginiit ni De Jesus na dapat na maglatag din ng iba pang mga paraan upang maiwasan na ang ganitong mga insidente sa kanilang hanay.