DAGUPAN CITYY– Umapaw ang Marusay sinukalan river sa bayan ng Santa Barbara Pangasinan dahil sa nararanasang pag -ulan dulot ng Habagat.

Dahil dito, nagmistulang lawa na ang ilang bahagi ng barangay Sungkil matapos umapaw ang ilog.

Nabatid na kahapon ay umabot sa 5.8 meters above sea level na ang tubig sa nasabing ilog.

--Ads--

Ayon sa mga residente, mababaw na ang ilog kaya hindi na ito halos umaagos.

Inabisuhan na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ang mga residente na lumikas na kapag nakaranas ng pagbaha para sa kanilang kaligtasan.