Dagupan City – Isinagawa ang isang active shooting drill sa Calombuyan Elementary School at Modesto V. Ferrer Elementary School sa Sual, Pangasinan bilang bahagi ng paghahanda ng mga paaralan sa posibleng emergency at security incidents.
Nagsilbing evaluators sa naturang simulation ang mga tauhan ng Sual Municipal Police Station na pinangunahan ni PMAJ Mark Archie M. Aguilar, Officer-in-Charge. Sinuri ng mga pulis ang pagpapatupad ng mga school personnel at estudyante sa mga itinakdang emergency procedures, coordination at response protocols.
Layunin ng aktibidad na masukat ang kahandaan ng dalawang paaralan sa pagtugon sa isang simulated active shooting incident at matukoy ang mga aspeto ng kanilang emergency response na nangangailangan pa ng pagpapahusay.
Bahagi rin ito ng mga hakbang upang mapalakas ang preparedness, koordinasyon at response capability ng mga paaralan at komunidad, lalo na sa mga sitwasyong maaaring magbanta sa kaligtasan ng mga estudyante at personnel.










