Posible umanong bumaba at maapektuhan na ang klase ng itatanim ng mga magsasaka dahil sa mababang bentahan ng palay sa bansa matapos maisabatas ang rice tariffication law.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ernesto Pamuceno, Pangulo ng Pangasinan Farmers Irrigators Association, maaring pagkatapos ng cropping season na ito ay hindi na hybrid variety ang kanilang itatanim dahil sa maliit na bentahan nito.

Titipirin na aniya ng mga magsasaka ang kanilang gastos dahil na rin sa mababang produksyon at laki ng gastos sa pagtatanim.

--Ads--

Sa halip aniya na mga magsasaka, mga traders na ang kumikita.

Sa ngayon aniya ay nasa P10 na ang isang kilo ng fresh harvest palay partikular na sa Nueva Ecija habang ibenebenta naman ito ng mga traders sa halagang P14.00

Dahil aniya dito baka maghanap na ng ibang itatanim na produkto ang mga magsasaka tulad ng mais , monggo at iba pa.