DAGUPAN CITY– Tumaas pa ang halaga ng naitalang pinsala sa mga sakahan ng palay sa lalawigan ng Pampanga dahil na rin sa halos isang linggong pag ulan dulot ng Habagat.

Umabot na sa P14, 443,932.72 ang naitalang danyos sa mga palayan sa mga bayan ng Magalang, Flordiblanca, Guagua, Sta Rita, Apalit, Candaba at San Simon.

Nanatili pa rin na nakaranas ng pagbaha ang ilang barangay sa lugar mula sa mga bayan ng Apalit, Masantol at Macabebe .

--Ads--

Kabuuang 18,552 indibidwal naman na ang naapektuhan ng pagbaha sa nabanggit na lalawigan.