DAGUPAN CITY– Umaabot na sa mahigit 18,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng patuloy na nararanasang pagbaha sa ilang lugar sa Pampanga dulot ng Habagat.

Kabuuang 18,552 indibidwal o katumbas ng 5,298 ang mga apektadong residente mula sa mga bayan ng Apalit at lubao sa Pampanga.

Hanggang sa ngayon ay nananatili pa ring nakakaranas ng pagbaha ang ilang barangay sa bayan ng Masantol at Apalit.

--Ads--

Samantala umakyat na sa P10,390, 213.44 ang danyos sa tanim na palay sa lalawigan mula sa bayan ng Magalang, Guagua, Apalit at Candaba.