DAGUPANCITY– Tatlong mangingisda sa bayan ng Dasol, Pangasinan ang maswerteng nakauwi na sakanilang tahanan matapos tumaob ang kanilang bangka sa kasagsagan ng masamang panahon.

Una rito ay nagpaalam at umalis sakanilang tahanan ang mga mangingisda na sina Lito Buccat, 30 anyos, Roel Baitle, 25 anyos at isang Rey Opinga, 29 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Infanta upang mangisda noong Agosto 3 subalit makalipas ang ilang oras ay tumaob ang bangkang kanilang sinasakyan na naging dahilan upang magpalutang -lutang sila sa dagat.

Samantala isang mangingisda na din na kinilalang si Raymon Noguera ang saktong nangingisda malapit sa Camaso Island sa Brgy. Tambobong Dasol ang nakakita sa mga ito na naging dahilan upang sila ay mailigtas at mapauwi sakanilang mga tahanan.

--Ads--