DAGUPAN CITY– Nadagdagan pa ang mga residente na inilikas sa lalawigan ng Pampanga dahil sa mga nararanasang pagbaha sa lugar dulot ng Habagat.

Sa Tinajero Bacolor, nasa 40 mga residente ang inilikas sa mga evacuation center.

Nasa 42 mga barangay pa rin sa naturang lalawigan ang nakakaranas ng pagbaha mula sa mga bayan ng Apalit, Masanto, at Macabebe.

--Ads--

Ilang mga daan din ang hindi madaanan ng mga malalaking uri ng sasakyan tulad ng Maluwalu tete Bakal sa bayan ng Bacolor habang ang Sto Nino Road at Kalsadang Bayu naman sa bayan ng Masantol.

Mahigit sa 9 milyon na rin ang naitalang danyos sa mga taniman sa palay sa naturang lalawigan mula sa bayan ng Magalang, Candaba at Apalit.