DAGUPAN CITY– Selos ang nakikitang motibo sa pananaga sa isang 21 anyos na lalaki ng sarili nitong pinsan sa bayan ng Rosales Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Armando Abad, 21 anyos at isang maglalako habang kinilala ang suspek na si Janrey Abad, 27 anyos at kapwa mga residente ng Brgy Palakipak.

Sa inisyal na imbistigasyon ay lumalabas na papasok na sana sakanilang bahay ang biktima nang ito ay tagain ng suspek.

--Ads--

Bilang resulta ay nagtamo ito ng sugat sakanyang katawan habang ang suspek ay agad na tumakas sa hindi pa malamang direksyon.

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na ang kinakasama ngayon ng biktima ay dating kinakasama ng suspek.