Posibleng magtagal pa ng hanggang katapusan ng Agosto sa taong kasalukuyang ang isinasagawang kilos protesta sa Hongkong.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lyn Eugenio, tubong Burgos Pangasinan at 22 taon ng nagtratrabaho sa Hongkong , maaring hanggang August 25 pa magtagal ang naturang kilos protesta .

Sa ngayon aniya ay hindi na nila alam kung sino ang mga nanggugulo dahil nagsusuot na rin ang mga ito ng puting damit na siya namang ginagamit ng mga Anti-Government dati .

--Ads--

Dahil na rin sa mga nangyayaring riot ay may mga shops na ang nagsasara.

Naniniwala naman ang ilan sa kanila na kagagawan ng mga Chinese Triad ang nangyaring riot na siya namang nanakit sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Voice of Lyn Eugenio

Hanggang sa ngayon din aniya ay hindi pa rin ibinabasura ang extradition bill kaya’t nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang protesta ng mga mamamayan doon.