DAGUPAN CITY—- Arestado ang isang lolo na pinaniniwalaang bigtime drug pusher matapos na mahulian ito ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation ng kapulisan sa Malolos Bulacan.

Nakilala ang suspek na si Carlos Dalagan, 63, may-asawa.

Isinagawa ang operasyon laban sa suspek kung saan matapos makabili ng shabu ang pulis na tumayong buyer ay agad itong inaresto.

--Ads--

Nasa 500 gramo ng shabu na ang nakuha mula sa suspek.

Sa ngayon nasa pangangalaga na ito ng kapulisan at nahaharap sa kaukulang kaso.