DAGUPAN CITY–Bagamat boung probinsya ang binabantayan , mahigpit na minomonitor ngayon ng Provincial Health Office ang nasa pitong bayan at lungsod dito sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa kaso ng sakit na dengue.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Provincial Health Officer Dra. Ana Marie De Guzman, itinuturing nila ngayon bilang hotspots ang mga bayan ng Bayambang, Bani, Pozzorubio, San Quintin, Anda at lungsod ng San Carlos, dahil naitala aniya sa mga lugar na ito ang mataas na kaso ng naturang nakamamatay na sakit na dala ng mga lamok.

Dahil dito ayon kay Dra. De Guzman, hinihiling nila sa mga lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng malawakang clean up drive .

--Ads--

Dagdag pa ng opisyal, nakahanda ding magbigay ng tulong ang kanilang tanggapan para sa clean up drive habang sa pagsisimula muli ng pag-iikot ng kanilang Kalusugan Karavan ay namamahagi na sila ng kulambo at mga kurtina lalo na aniya sa mga barangay na mayroong clustering o maraming naitalang kaso ng dengue.