Naaresto ang isang bigtime  drug personality sa isinagawang search warrant  operation ng pulisya sa lungsod ng San Carlos lalawigan  ng Pangasinan.

Nakumpiska ng mga otoridad sa bahay ni William Macaso ang sampung pakete ng hinihinalang shabu at isang pakete ng pinatuyong marijuana.

Ayon naman  sa suspek, hindi sa kanya ang mga nakumpiskang illegal na droga.

--Ads--

Nahaharap ang suspek  sa paglabag sa kasong comprehensive dangerous drugs act.

Ayon sa pulisya, dati ng nasa drug watchlist  ang suspek.