DAGUPAN CITY–Natagpuang wala ng buhay ang isang babae na pinaniniwalaang may problema sa pag iisip sa lungsod ng Urdaneta Pangasinan partikular na sa may kahabaan ng Bypass Road ng Brgy. Nancayasan.

Una rito bago rumespundi ang mga pulis ay nakatanggap sila ng ulat mula sa isang Security guard na mayroong babae ang nakitang wala ng buhay.

Nang tunguhin ang lugar ay tumambad sa mga pulis ang isang walang saplot sa katawan, nasa 60-65 years old at medyo may katabaang katawan ng isang babae.

--Ads--

Dinala pa ito sa pagamutan subalit idineklarang DOA ng mga doktor.

Base naman sa salaysay ng ilang mga taong nakausap ng mga pulis, sinasabing ang biktima ay mayroong problema sa kanyang pag-iisip.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon rito ng mga otoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng biktima at dahilan ng kaniyang kamatayan habang ang labi nito ay nakalagak na sa isang punerarya sa lungsod.