DAGUPAN CITY– Nauwi sa pananaksak ang mainit na pagtatalo sa pagitan ng ilang mga katao sa bayan ng Sta. Barbara Pangasinan partikular na sa isang subdibisyon sa Brgy. Minien East.

Kinilala ang biktima na si Ariel Remegio, 24 anyos habang ang suspek ay kinilalang si Jaypee Tolentino, 34 anyos na kapwa mga residente mula sa nabanggit na bayan.

--Ads--

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nasa inuman ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan at mga kaibigan nang ito ay mapikon sa grupo ng mga kalalakihan na noon ay nasa kanilang kapit bahay at nagkakasiyahan din dahil sa isang birthday party.

Nang mapikon ang suspek matapos magsalita ng mga masasama sakanila ang biktima ay lumabas ito sa harap ng bahay at kinompronta ang mga tropa ng biktima na nag-iinuman hanggang sa dito na nagkaroon ng pagtatalo.

Nauwi pa sa komosyon ang insidente hanggang sa masaksak ng suspek ang biktima gamit ang icepick.

Agad na itinakbo sa ospital ang biktma habang nagpapatuloy ang imbistigasyon rito ng mga otoridad.