DAGUPAN CITY – Arestado ang namamahala sa isang bar dahil sa human trafficking habang nasagip naman ang apat na kabataang babae sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija.

Ayon sa impormason nagsagawa ang pulisya ng sorpresang anti-human trafficking operation sa Triple CA Resto Bar at dito ay nailigtas ang apat na babae kabilang ang isang 16-anyos.

Naaresto naman ang namamahala ng nasabing bar na si Marnitz Siobal, 26.

--Ads--

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o anti-human trafficking ang kaso na kanyang kakaharapin.

Narekober ng mga pulis ang halagang P1000 na ginamit sa transaksyon na pambayad sa sexual exploitation na naka-video para sa dokumentasyon nito sa korte.