DAGUPAN CITY–Nahaharap sa kaso ang isang anak matapos ipakulong ng sarili niyang ina sa lungsod ng San Carlos Pangasinan dahil sa pananakit at pagwawala.

Napilitang ipakulong ng ina ang kanyang anak na si Jay R Bentigan, 25 anyos dahil sa pagwawala nito sa tuwing nalalasing.

Ayon sa pulisya, dati na ring inireklamo ang suspek ng pambobogbog sa kanyang pamilya tuwing nasa impluwensiya ng alak.

--Ads--

Nadagdagan pa ang reklamong kakaharapin ng suspek matapos siyang mahulihan ng pakete ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Samantala, inamin ng suspek ang ginawang panggugulo pero itinangging siya ay gumagamit ng ilegal na droga.