DAGUPAN CITY– Nakauwi na ang OFW na ina ng pinaslang na 18 anyos na estudyante dito sa lungsod ng Dagupan Pangasinan.

Emosyonal na sinariwa ni Beatriz Saplan, ina ni Bernadeth Saplan ang mga ala-ala ng namayapang anak.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng bombo radyo Dagupan, April 23, 2019 nang magpunta si Beatriz sa Oman upang magtrabaho bilang OFW at nang matustusan ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

--Ads--

Pero hindi daw niya inakala na ito ang sasapitin ng anak.

Matatandaan na june 16 ay natagpuan ang bangkay ng civil engineering student sa isang bakanteng lote sa Bonuan bluebeach subdivision dito sa lungsod.

Samantala, wala na raw planong bumalik pa sa abroad ang ginang.

Isang misa naman ang iaalay sa labi ni Bernadeth sa Saint John Cathedral bago ang kanyang libing sa Miyerkules.