DAGUPAN CITY — Tukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng bangkay ng isang dalaga na pinagbabaril sa bayan ng Sison.


Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, tinukoy ni Police Major Alfredo Padilla Jr., Officer-in-Charge (OIC) ng Sison Police Station, ang pagkakakilanlan ng biktima na si Vanessa Husco, 19 anyos na residente ng District 2, Poblacion, sa bayan ng Pozorrubio.


Ayon kay Padilla, nakilala ang biktima matapos na magtungo sa kanilang himpilan ang tiyuhin nito at i-claim ang bangkay.

--Ads--


Dagdag pa nito, hindi umano inakala ng pamilya ng biktima na may masamang nangyari na dito lalo at lagi umanong gumagala ang biktima at mahilig umangkas kahit sinuman ang magsakay sa kaniya sa motorsiklo.