DAGUPAN CITY– Kinumpirma ng kapulisan na galing sa iisang grupo ang 6 na holdaper na namatay sa magkahiwalay na engkuwentro sa Pampanga noong nakaraang linggo.
Ang mga ito ay miyembro ng “Cabradilla bolt cutter acetylene gang” na nag ooperate sa Cordillera.
Napag-alaman din na ang pulang sasakyang ginamit ng mga holdapers ay inarkila sa Baguio.
--Ads--
Nagtungo na umano sa Pampanga ang mga ito dahil mayroon na silang record at nasampahan na rin ng kaso.
Apat sa 6 na holdaper ang napatay kaugnay ng pangho-holdap sa isang convenience store sa Barangay San Vicente, Apalit.
Bago nito, patay din sa engkuwentro ang 2 sakay ng asul na pick-up sa bayan ng Bacolor.