DAGUPAN CITY– Posibleng ginahasa muna bago pinatay ang isang 18 anyos na dalaga na natagpuang wala ng buhay sa isang madamong bahagi sa Tondaligan Blue Beach subdivision dito sa lungsod ng Dagupan Pangasinan.

Nakababa na umano ang panloob na kasuotan ng biktimang si Bernadeth Saplan, 18 anyos, first year college student na residente sa lugar nang itoy matagpuan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, una nang nagtungo ang nakatatanda nitong kapatid sa himpilan ng kapulisan para ipagbigay alam na hindi pa ito nakakauwi sa kanilang tahanan.

--Ads--

Kinaumagahan, natagpuan ang katawan nito malapit lamang sa kanilang tahanan na may layong isang kanto lang.

Nang matagpuan ang biktima ay nakataas na ang bra nito at nakababa ang kaniyang underwear.

Inaasahan namang anumang oras ay ilalabas na ang resulta ng isinagawang post mortem examination sa katawan ng biktima upang malaman kung ito’y biktima ng panggagahasa.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insedente.