DAGUPAN CITY– Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang isang lalaki matapos mahulian ng mga matataas na kalibre ng baril sa Imus City, Cavite.

Sa nakalap na impormasyon ng bombo Radyo Dagupan naharang sa checkpoint ang hindi pinangalanang suspek.

Sakay ang suspek ng Toyota Innova at nang busisiin ang sasakyan ay nakita ang dala nitong mga armas.

--Ads--

Kabilang sa nakumpiska sa kaniya ang anim na matataas na kalibre ng baril gaya ng M16 at Uzi.

Wala namang naiprisintang dokumento ang suspek sa mga dala niyang armas.