DAGUPAN CITY– Patay ang isang hinihinalang drug suspect habang dalawa naman ang naaresto sa isinagawang buybust operation sa Subic Zambales.

Ayon kay Pol Maj. Jude Bryan Maguddayo, Chief of Police ng Subic Municipal Police Station, na napatay ang suspek na si Ommay Jalmaani matapos na mauwi sa engkwentro ang ikinasang operasyon ng kapulisan.

Naganap ang insedente nang tangka umanong arestuhn ng kapulisan ang isang sangkot sa illegal na droga na kinilalang si Julnari Nali alias “Borutsoy” na pumasok sa loob ng bahay ng suspek.

--Ads--

Naaresto rin ang dalawang iba pa na sina Kaisar Jakaria at Eli Balani nang tangkain ng mga ito na makapasok ang kapulisan sa tahanan ni Jalmaani.

Nakatakas naman ang target na si Nali.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng insedente ang isang 38-caliber revolver at 2 sachet ng pinaghihinalaang shabu.