Patay matapos makuryente ang 19 anyos na construction worker sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.
Kinala ang biktima na si Romel Cayabyab, residente ng barangay Zone 2 sa bayan ng Bayambang.
Ayon sa ulat, abala ang biktima sa paggawa ng bubong sa kanilang kapitbahay.
--Ads--
Bigla na lang umano niyang kinuha ang isang primary wire malapit sa ginagawang bubong.
Nagbiro pa raw ito sa kanyang mga kasamahan bago niya kunin ang wire ng kuryente.
Agad na sinugod ang biktima sa pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay.
Sasagutin naman ng may-ari ng bahay ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa biktima.