Nahaharap sa patong patong na kaso ang limang katao matapos silang mahulian ng mahigit sa P400,000 halaga ng shabu at maaktuhang nagpopot session sa bayan ng Mangaldan Pangasinan.


Sa pinagsanib na pwersa ng PDEA at Mangaldan PNP naaktuhan pa sa aktong nagpopot session ang mga suspek na sina Mark Anthony Bustamante, Richard Erasquin, Michael Romano, Dexter Mendoza at Clarita Catalino.


Nakuha naman sa pangangalaga ng mga ito ang 56 grams na shabu , ilang drug pharapernalia at isang 9mm na baril.

--Ads--


Sinasabing si catalino ang maintainer ng bahay na nagsisilbing drug den sa lugar at bisita umano nito ang apat na lalaki.

Nagpositibo naman ang mga suspek sa isinagawang drug test na sa ngayon ay nahaharap sa patong patong na kaso.