Mas naging mahigpit ang mga Meat inspectors sa monitoring ng mga karne lalo na’t may mga namamatay na hayop dahil sa init ng panahon.

Ayon kay Dr. George Bacani Jr., Senior Meat Control Officer ng NMIS Region 1, mas istrikto na ang mga meat inspectors sa kanilang monitoring at hindi na pinapayagang mahalo ang mga namatay na hayop sa kakatayin pa lamang lalo na sa mga slaughter house.

Aniya, bago dumating sa mga planta ay naihihiwalay na ang mga hayop na namatay sa byahe sapagkat hindi na ito maaaring katayin kapag namatay bago pa man dumating.

--Ads--

Nagpaalala naman si Bacani sa mga meat capitalist na ibyahe sa tamang oras ang mga hayop upang maiwasan ang kanilang pagkalugi.