Patay ang isang magsasaka matapos itong malunod sa Agno River sa Brgy. Laoac Alcala Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Jaime Cadorna, 59 anyos at residente mula sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng mga otoridad ay lumalabas na nagpunta sa ilog ang biktima na noon ay pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng alak at nag dive doon subalit bigo na itong makaahon.

--Ads--

Agad namang humingi ng tulong ang mga witness na nasa lugar na naging dahilan upang agad na magsagawa ng Search and Retrieval Operation.

Wala na itong malay nang matagpuan at sinubukan pang isalba subalit binawian din ng buhay.