Dead on Arrival sa pagamutan ang isang 20-anyos na dalaga matapos itong malunod sa Swimming pool sa isang Resort sa Brgy. Petal sa bayan ng Dasol , Pangasinan.

Kinilala  ang biktima na si Lota Ebidag, na residente din mula sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbistigasyon ay lumalabas na nag inuman pa ang biktima at ang kanyang kasintahan nang magkayayaan ang dalawa na lumangoy sa swimming pool.

--Ads--

Nag-dive umano ang biktima subalit bigo na itong makaahon.

Agad pa itong ni-rescue ng kanyang kasintahan at agad ring naisagawa ang First Aid bago dalhin sa pagamutan subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

 Samantala sa pisikal na pagsusuring ginagawa ng mga otoridad ay hindi naman nakitaan ang katawan nito ng senyales na ito ay naghirap o mga sugat sa katawan subalit nakipag-koordina na ang Dasol Police Station sa Provincial Crime Laboratory para sa posibleng autopsy na isagawa sa bangkay ng biktima.