Nauwi sa trahedya ang masayang bakasyon ng isang pamilya matapos malunod ang dalawang membro ng pamilya na pawang mga menor de edad sa Bonuan Tondaligan Beach, barangay Bonuan, Dagupan City.
Kinilala ang mga biktima na sina Angel Tan Garcia, 5 taong gulang, grade 1 student at Mesha Lhorraine Tan Wee 6 na taong gulang, grade 1 student at parehong residente ng Block 14 Lot 33, Palmera, Bulacan.
Ayon sa imbestigasyon, dumayo pa ang pamilya mula sa Buiacan para maligo sa nasabing lugar kasabay ng paggunita ng Huwebes Santo.
Masaya pang magkakasama ang mga biktima kasama ang kanilang pamilya nang mangyari ang insidente.
Agad namang isinugod sa ospital ang dalawang biktima subalit deneklara silang dead on arrival ng kanilang attending physician sa Decena Hospital dito sa lungsod.