Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang dalawang chinese national at ang kasama nilang dalawang Pilipino dahil sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo sa Brgy. Wakas, Bocaue Bulacan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan mula sa kapulisan, nakatanggap umano sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng mga suspek ng pekeng sigarilyo.

Inobserbahan nila umano ang mga ito saka nagsagawa ng operasyon sa isang warehouse sa Bocaue.

--Ads--

Nakuha sa mga suspek ang 40 karton ng sigarilyo na P1 milyon ang halaga.

Mahaharap ang mga suspek sa mga ihahaing kaso laban sa kanila.