Nahaharap ngayon sa kasong may kaugnayan sa illegal na droga ang tatlong katao matapos makuhaan ng tinatayang nasa isa at kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon sa Brgy. Maasim, San Ildefonso, Bulacan .

Ayon sa impormasyon sinilbi nila ang isang search warrant sa bahay ng isang Duane Aquino na nasa drug watchlist umano ng kapulisan sa lugar.

Ang search warrant ay inilabas ni Malolos Regional Trial Court Branch 16 Judge Sita Jose Clemente.

--Ads--

Naaresto rin ang dalawang iba pa na kasama ni Aquino sa bahay.

Mahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.