Isa ang nasawi habang dalawa naman ang sugatan matapos silang pagbabarilin sa loob ng isang bar sa bayan ng Lingayen.

 Naganap ang insidente sa kahabaan ng Brgy. Road ng Castillo Baybay, Brgy. Maniboc kung saan kinilala ang mga  biktima na sina Fernando Sison, 49 anyos, isang ahente ng lupa,  Christian Mark Bangsal, 21 anyos at nagngangalang Edglen Cruz, 22 anyos, isang bagoong maker at pawang mga residente sa nabanggit na barangay.

 Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan ,  nagpunta ang mga biktima sa isang bar at  umorder ng inumin.

--Ads--

Makalipas ng 2 minuto ay dumating ang suspek at bigla na lamang nitong pinaputok ang kanyang baril.

Nagawa pa ng isa sa mga biktimang si Sison ang makapasok sa loob ng bar subalit  natumba din  ito  matapos tamaan ng bala.  

Itinakbo pa ito sa pagamutan subalit hindi na umabot pa ng buhay.

Samantala ang mga kasamahan nito na sina Bangsal at Cruz ay sumakay sakanilang motorsiklo matapos ding magtamo ng sugat  sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.  

 Agad namang tumakas ang hindi pa tukoy na suspek  matapos ang pangyayari.

Nakuha mula sa lugar ang 2 basyo ng kalibre 45 baril. Nagpapatuloy  naman ang imbistigasyon  ng kapulisan sa naturang insedente. With reports from Cheryl Ann Cabrera