Patay ang 2 katao kabilang na ang isang limang taong gulang na bata habang sugatan naman ang isa pa matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang dump truck sa Brgy Gonzalo sa bayan ng San Quintin Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ricky Adriano 26 anyos at Nash Eliab Adriano limang taong gulang.

Nagtamo naman ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kaniyang katawan ang isa pang biktima na si Jimmy Capilian 22 anyos.

--Ads--

Ayon sa impormasyon ng kapulisan binabagtas ng mga biktima ang Provincial Road ng barangay Gonzalo kasunod ang isang dump truck na minamaneho naman ni Marlon Namulngo 28 anyos kasama ang pahinante nitong si Apolo Committing 27 anyos.

Nag-overtake umano ang dumptruck sa motorsiklo ngunit bigla umano itong lumiko dahilan upang magkasalpukan ang dalawang sasakyan.

Pumailalim pa ang mga biktima sa dumptruck na sanhi ng kanilang kamatayan. Hindi naman nagtamo ng anumang pinsala sa katawan ang sakay ng dumptruck.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insedente. – With reports from Cherryl Anne Cabrera