Dagupan City – Pumalo na sa tinatayang 95 katao ang nasawi sa nangyaring malawakang pagbaha sa Spain at inaasahang madaragdagan pa matapos na pinaghahanap pa ang iba pang natangay ng baha.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eva Tinaza, Bombo International News Correspondent sa Spain, sa tagal na rin nitong naninirahan sa nasabing bansa, ito na aniya ang naranasan nilang pinakamalalang malawakang pagbaha sa bansa.

Kung saan, sa hindi inaasahang pagkakataon aniya ay biglaang bumungad ang malawakang pag-agos ng tubig kung kaya’t hindi na rin nakapaghanda ang mga residente.

--Ads--

Bagama’t hindi malaks ang hangin at pag-ulan sa bansa, nakapagtala pa rin aniya ito ng malaking pinsala dahil na rin sa bilis ng pagragasa ng tubig.

Binigyang diin naman ni Tinaza na tuloy-tuloy din ang pag-momonitor at pagbibigay ng tulong ng kanilang pamahalaan sa mga residenteng nasalanta ng malawakang pagbaha.

Samantala, sa kasalukuyan wala namang mga Pilipino ang nasaktan at nasalanta nito.