DAGUPAN CITY – Nasawi ang siyam na tao matapos salpukin ng isang kotse ang mga tao sa Vancouver festival sa Canada.
Ayon sa pulisya ng Vancouver, kumpirmadong siyam na tao ang nasawi at ilan pa ang nasugatan .
Pagbabahagi ng isang may ari ng food truck na naroon nang mangyari ang insidente na nakakila-kilabot ang pangyayari kung saan ay dumiretso ang kotse sa gitna ng mga tao.
--Ads--
Ayon sa pulisya, nasa kustodiya na ngayon ang 30-anyos na lalaki na residente ng lungsod.
Dagdag nila, tiwala silang hindi ito isang gawaing may kaugnayan sa terorismo.
Naganap ang insidente habang ginaganap ang Lapu Lapu Day festival ng komunidad ng mga Pilipino, bandang alas-8 ng gabi local time.