Narekober ang 7 sako ng hinihinalang illegal na droga matapos makitang palutang lutang ng mga mangingisda sa katubigan ng Bani, Bolinao at Agno.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Captain Rowell C. Isit, Chief ng Intelligence Section ng Philippine Enforcement Group sa Pangasinan ang mga pakete ng hinihinalang shabu na nakalagay sa puting sako ay may mga foreign markings.

Ang mga ito ay nadiskubre ng mga fisherfolks at agad namang naipagbigay alam sa otoridad.

--Ads--

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang eksaktong drug price ng droga ngunit patuloy naman ang kanilang coastal monitoring sakaling may madiskubre pa sa mga susunod na araw.

Bagama’t ay madami silang pagsubok hinggil sa pagrekober ng illegal na droga lalo na at walang sapat na standard protocols ang mga sibilyan maging ang mga mangingisda sakali mang may makita o matagpuan silang kahina-hinala.

Dahilan upang magkaroon ng mishandling gayundin ang tampering sa mga nadiskubre.

Subalit panawagan nito na kung may nakita na kahina-hinalang mga pakete sa dagat ay huwag hawakan o i-uwi bagkus ay ipagbigay alam agad sa kinauukulan.

Ani Isit na mas mainam kung alerto at nagtutulungan upang mapanatiling ligtas ang komunidad laban sa illegal na droga.