Mga kabombo! Sabi nga nila hayaan mo nang matangay ang gamit mo kaysa isaalang-alang ang kaligtasan mo sa mga taong magnanakaw.

Ngunit tila binalewala ang kasabihan na ito ng isang 60-anyos sa Turkey!

Paano ba naman kasi sinubukan pa nitong lumaban, at sa hindi inaasahang pagkakataon kinagat siya sa kamay ng isa sa mga suspek bago ito makatakas.

--Ads--

Dahil malalim ang kagat, nagtungo siya sa isang lokal na klinika at ginamot.

Pinauwi rin siya matapos gamutin. Ngunit lumala ang kanyang kalagayan, nagsimula siyang lagnatin at manginig ang buong katawan.

Hanggang sa napagdesisyunan nitong magpatingin sa Research Hospital, at dito na nalamang may matinding impeksiyon siya mula sa kagat.

Sa loob ng dalawang linggo, kumalat ang impek­syon at umakyat sa kanyang braso, na namaga at nagbago ang kulay.

Nagpasya ang ospital na isailalim siya sa hyperbaric oxygen therapy, isang treatment na tumutulong sa mas mabilis na paggaling ng mga sugat, lalo na ang mga may impeksyon.

Naging matagumpay naman ang procedure, at sa loob lamang ng isang linggo ay malaki ang ibinuti ng sugat. Hindi na kina­ilangang putulin ang kanyang braso ayon sa mga doktor.

Paliwanag naman ng mga eksperto, ang bakterya mula sa bibig ng tao ay maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon sa pamamagitan ng pagpasok sa subcuta­neous tissue at ang kasong ito ay nagbibigay-diin sa seryosong panganib ng impeksiyon mula sa kagat ng tao.