Kinumpirma ng Ministry of Interior Qatar na anim katao ang binawian ng buhay matapos na bumagsak ang isang helicopter sa territorial waters ang Qatar.
Ayon sa mga awtoridad, anim sa pitong sakay ng helicopter ang narekober na bangkay ng search and rescue team, habang nagpapatuloy ang masinsinang operasyon upang hanapin ang isa pang nawawala.
Nauna nang sinabi ng Ministry Defense of Qatar na posibleng nagkaroon ng teknikal na aberya ang helicopter at nilinaw na wala umanong indikasyon ng pag-atake rito at hindi pa tiyak kung ang bumagsak na aircraft ay pagmamay-ari ng militar o pribadong indibidwal.
Samantala, ito naman ang kauna-unahang naiulat na aviation-related na insidente sa Qatar sa gitna ng kasalukuyang nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente habang hinihintay ang karagdagang detalye sa mga awtoridad.










