Nasawi ang limang katao matapos na masunog ang pampasaherong barko na MV June Aster sa karagatang sakop ng Coron, Palawan.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Noemi Cayabyab na mayroong 42 katao ang kanilang nailigtas mula sa nasunog na bangka.

Dinala na ang mga ito sa covered court ng Barangay Turda.

--Ads--

Base sa inisyal na imbestigasyon na mayroong sakay na 117 na pasahero at 17 crew members ang barko.

Galing sa pantalan ng Maynila ang barko at patungo sana ito sa Coron, Palawan ng mangyari ang insidente ng dakong 6:45 ng gabi nitong Miyerkules, Setyembre 9.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan inaagapan na rin ng PCG ang posibilidad ng oil spill sa nasabing lugar.

| via Bombo Jovino Galang