Naaresto ang isang 49 anyos lalaking negostante sa bayan ng san Jacinto matapos magpaputok ng baril.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente bandang 4:20 ng hapon kahapon kung saan kinilala ang suspek na residente rin ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at kanyang 37-anyos na pamangkin.

--Ads--

Dahil dito, pumasok ang suspek sa kanyang bahay, kinuha ang kanyang baril na Glock 43X caliber 9mm pistol at nagpaputok pababa bago tumakas.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakabawi sa baril.

Natuklasan din na may lisensya (LTOPF) at rehistro ang baril ng suspek.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng San Jacinto Municipal Police Station ang suspek at ang mga ebidensya para sa kaukulang disposisyon.