Dagupan City – Arestado ang 47-anyos na tricycle driver sa bayan ng San Nicolas matapos halayin ang isang menor de edad na kaniyang sariling pamangkin.
Ayon kay PCAPT. Jerwin Cabreros, Officer In Charge ng San Nicolas Police Station, nangyari ang huling panghahalay ng suspek na kinilalang si Oliver Pelo noong hulyo 2023.
Kung saan, lumalabas sa kanilang imbistigasyon na hindi lang beses hinalay ang kaniyang pamangkin.
Hanggang sa nagkaroon na ng lakas na loob ang biktima, at isinumbong nito ang ginagawang panghahalay sa kaniyang tiyahin. Agad namang dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga ito, at dito na inihain ang kaso laban sa suspek.
Samantala, ito na ang unang kasong naitala sa kanilang lugar ngayong taon, kung saan ay mas mababa kung ikukumpara sa datos nang nakaraang taon 2023.
Ani Cabreros, isa sa nakikitang resulta sa pagbaba ng ay ang kanila ring isinasagawang patuloy na pag-conduct ng oplan sagip, barangay visitations, lectures, at dialogues.