Nasawi ang isang 44-anyos na lalaki sa nangyaring bangaan ng motorsiklo at elf truck sa bahagi ng Barangay Poblacion Oeste sa lungsod ng Dagupan.

Ang biktima ay mula sa Barangay Bacayao Sur sa nasabing lungsod.

Ayon kay Pltcol. Lawrence Keith Calub, chief of police sa nasabing himpilan, binabagtas pababa ng nasabing driver ng motor kasama ang sakay nito ang Pantal bridge nang magkabangga nila ang papaakyat na Elf Truck.

--Ads--

Napunta umano sa linya ng truck ang kanilang sasakyan kaya sumalpok ito na sanhi ng pagkatilapon ng dalawa.

Agad namang naisugod sa ospital ang dalawa ngunit ang driver nito ay ideneklarang dead on arrival dahil sa lakas ng impact habang nagpapagaling naman ang sakay nito at hindi naman nasugatan ang mga sakay ng truck.

Napag-alamang lasing ang biktima pati ang sakay nito kaya nangyari ang insidente.

Nagkaroon naman na ng settlement ang dalawang panig kung saan tutulungan na lamang ng sakay ng Elf truck ang biktima sa mga magagastos.

Patuloy naman ang paalala nito sa mga motorista o driver na laging mag-ingat at isipin ang mga pamilyang uuwian habang binigyang din nito ang kahalagahan ng pagsunod sa BLOWBAGETS upang makaiwas sa anumang uri ng aksidente sa kalsada.