BOMBO DAGUPAN -Nasawi ang isang 41 anyos guro habang matinding injury naman ang natamo ng kasama nito matapos mabangga ng truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa bahagi ng National Road ng Barangay Gonzalo sa bayan ng Labrador dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PCPT. Dario Ico, Acting Chief of Police ng Labrador PNP, sangkot sa naturang aksidente ang tatlong sasakyan kung saan kabilang dito ang isang tricycle, isang kotse, at isang truck.

Base sa imbestigasyon, patungong silangang direksyon ang tricycle nang mag overtake ang isang kotse na naging dahilan ng aksidente.

--Ads--

Nasagi nito ang tricycle at nawalan na ng kontrol ang driver nito. Nagpaikot-ikot ito sa kalsada hanggang sa maabot nito ang kabilang linya. Mula sa kabilang direksyon ay dumating ang isang truck na nakabangga sa tricycle.

Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang driver ng trycicle at maging ang mga sakay nito,

Agad naman dinala ang mga ito sa malapit na pagamutan p ngunit idineklarang dead on arrival ang driver habang inilipat sa ibang paggamutan ang mga sakay nito.

Dinala naman sa paggamutan ang driver ng truck upang kuhanan ng medico legal at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Labrador PNP kung saan ay nahaharap sa kaokolang kaso.

Dagdag pa niya, wala naman sa impluwensya ng alak ang mga driver ng nasabing mga sasakyan.

Samantala, paalala naman ng mga otoridad na magdoble ingat lalo na sa ganitong panahon.

Dagdag pa nito, kumpara sa nakaraang taon ay mas mababa ang naitatalang vehicular traffic sa kanilang bayan sa parehong panahon.