Patay ang apat na miyembro ng magkakaanak matapos ang naganap na landslide kasabay ng pananalasa ng bagyong Maring sa Sison Pangasinan.

Sa panayaw ng Bombo Radyo Dagupan kay PMAJ .THERESA MEIMBANCOP NG SISON PNP, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jomar Aquino 26 anyos at asawa nitong si Jasmin Estopacio 22 anyos , anak nilang si Maryjane Aquino tatlong taong gulang ksama ang kanilang pamangkin na kinilala lamang sa pangalang Jessie.

Naganap ang insedente sa bulubunduking bahagi ng SITIO PILAWAN BRGY SAGUNTO sa nabanggit na bayan.
Dagdag pa ni Meimban na hindi ganoon karami ang putik na bumagsak sa tahanan ng mga biktima ngunit dahil sa gawa lamang ito sa light materials at hindi gaanong pulido ang pagkakagawa ay bumagsak ang pader ng tahanan na siyang tumama sa mga biktima.

--Ads--

Maari aniya na lumambot ang lupa dahil sa tuloy tuloy na pag-ulan bunsod ng pananalasa ng bagyong Maring sa probinsiya.

PMAJ .THERESA MEIMBANCOP NG SISON PNP

Ipinaalam naman ng ilang kapitbahay ng mga biktima ang insedente kaya agad rumispundi ang kapulisan kasama na ang MDRRMO at ilang concerned agencies sa lugar ngunit wala ng buhay ang mga biktima ng sila’y datnan.