Pinagtataga ng isang 37 anyos na lalaki ang 54 anyos na kabarangay nito na nagduduyan lamang sa kanilang tahanan sa bayan ng Umingan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PSSg. Randy L Agoyaoy – Investigator on Case, Umingan PNP nangyari ang insidente nito lamang Miyerkules bandang 6:30 ng gabi kung saan biglang pumasok ang suspek sa terrace ng biktima at doon ay pinagtataga niya ito.

Base sa imbestigasyon ay lasing ang biktima at nablangko daw ang isip nito kaya niya nagawa ang nasabing insidente.

--Ads--

Narekober naman ang dalawang itak sa suspek isa dito ay nakuha mismo sa crime scene habang ang isa pa ay naiuwi pa nito.

Nagtamo ang biktima ng pananaga sa ulo, sa leeg at sa tagiliran nito.

Inamin naman ng suspek ang kaniyang nagawang krimen at humingi ito ng dispensa sa pamilya ng biktima.

Napag-alaman din na nakulong na ito dati batay sa kaniyang mga kamag-anak.

Samantala, itutuloy naman ng pamilya ng biktima ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

Ito naman ang kauna-unahang kaso ng pananaga sa kanilang bayan ngayong taon at paalala naman ni PSSg. Agoyaoy na kapag nakainom ay mainam na huwag idaan sa init ng ulo at matulog na lamang upang maiwasan ang ganitong insidente.