BOMBO DAGUPAN – Nahaharap sa kaso ang 32 anyos na lalaki matapos na maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Zone 5, Brgy. Dilan Paurido, sa lungsod ng Urdaneta.

Ayon kay PCAPT. Rey Floro Tuanquin, Chief Investigation Officer, Urdaneta City PNP kinilala ang naaresto na Marvin Alvarez alias “Masong/Narts” , binata , kargador at residente ng Estrada St., Zone 4, Brgy. Poblacion, sa lungsod ng Urdaneta.

Nakumpiska sa kanyang possession ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na higit kumulang 5 grams na nagkakahalaga ng Php. 34,000.00, isang piraso ng coin purse, isang unit of cellular phone, isang piraso ng five-hundred-peso bill, at isang unit ng motorcycle.

--Ads--

a ngayon ay isinampa na laban sa suspek ang kasong violation of Section 5 at 11 ng RA 9165.