Dagupan City – Mga kabombo! Dahil sa mahal na bilihin, marami ngayon ang umaasa na sana ay tumama sa lotto.

Ngunit ang tanong mangingibabaw pa ba sayo ang katagang “sharing is caring?”kung ang hinihingi na sa’yo ay kalahati ng napanalunan mo?

Kamakailan kasi ay nag-viral ang isang magkapatid sa isang social media post.

--Ads--

Kung saan, ang nakatatandang kapatid daw ng kinilalang si Vedoric ay hinihingi ang kalahating porsyento ng kaniyang napanalunan.

Umabot na raw sa punto na ipinaalala pa sa kanya ng kuya na noong mga bata pa sila ay nangako si Vedoric na ibabahagi niya rito ang anumang meron siya.

Ngunit tinanggihan ito ni Vedoric dahil malalaki na raw sila. 28-anyos si Vedoric habang 32-anyos naman ang kaniyang kuya.

Magmula raw noon, naging malamig na umano ang pakikitungo kay Vedoric ng kanyang kuya. Tinawag din siya nitong makasarili, at inakusahang walang pagmamalasakit sa kanyang kapamilya.