Dagupan City – Nasawi ang 32-anyos na caregiver matapos aksidenteng mabangga ng pampasaherong Bus sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.

Ayon kay PCAPT. Ivan Cliff Ananayo, Police Commissioned Officer ng Alaminos Police Station, nangyari ang insidente sa kahabaan ng national road sa Barangay Tanaytay sa syudad ng Alaminos kung saan ang Tricycle na minamaneho ni Francis Bautista, 32-anyos, residente ng Barangay Pocal-Pocal sa parehong syudad, ay aksidenteng nabangga ng Bus na minamaneho naman ni Rolando Marzo, 41-anyos, residente ng Brgy. Oaquing, San Juan, La Union.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na bago ang insidente ay binabaybay ng Tricycle ang nasabing kalsada patungo sa silangan, habang binabaybay naman ng Bus ang kaparehong kalsada patungo sa opposite direction. Pagdating sa lugar, biglang huminto ang Tricycle sa gitna ng kalsada dahil sinubukang ayusin ng driver ang kanyang tricycle, ngunit hindi naman ito nakita ng bus driver hanggang sa nabangga na ito.

--Ads--

Agad namang dinala sa Alaminos City Response Team sa Western Pangasinan District Hospital ang driver ng tricycle ngunit idineklara na itong Dead on Arrival, habang ang driver naman ng Bus ay nasa kustodiya na ng Alaminos City Police Station para sa dokumentasyon para kasunduan ng dalawang panig.